Month: Mayo 2019

Makita ang Dios

May mga mahusay gumuhit ng larawan ng tao kung saan iniiba nila ang hugis ng katawan nito ayon sa nais ng nagpapaguhit para maging katawa-tawa. Nagugustuhan ito ng marami dahil nakikita nila ang nakakatuwang pagbabago sa kanilang hitsura.

Pero hindi naman nakakatuwa kung ang anyo ng Dios ang iguguhit at gagawing katawa-tawa. Pero tulad ng mga larawan na binabago ayon sa…

Mapagtatagumpayan

May isang kalye sa California sa bansang Amerika na kakaiba ang pangalan. Tinatawag itong Salsipuedes na ang ibig sabihin ay subukan mong makaalis kung kaya mo. Iyon ang ipinangalan sa kalye dahil puro kumunoy ang lugar na iyon noon. Paalala rin iyon noon sa mga tao na kailangang iwasan ang lugar na iyon.

Ipinapaalala naman sa atin ng Salita ng Dios…

Sabihin sa Bata

Maraming mababasa sa internet na mga payo para sa mga magulang. Isa na dito ang katagang, “Ihanda mo ang iyong anak sa landas na kanyang lalakaran at hindi ang landas na kanyang lalakaran.” Ibig sabihin, ihanda natin ang ating mga anak sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at hindi ang pag-aalis sa mga pagsubok na kanilang haharapin.

Sinabi naman ng…

Binihisan ng Dios

Nang mga bata pa ang mga anak ko, madalas silang naglalaro sa maputik naming hardin. Kaya naman, inaalis ko agad ang mga damit nila bago sila pumasok sa aming bahay. Pagkatapos, pinaliliguan ko sila. Sasabunin at hihiluran para luminis ang madudumi nilang katawan.

Sa pangitain na ipinakita ng Dios sa propetang si Zacarias, nakita niya ang punong paring si Josue na…

Kasama ng mga Leon

Nang pumunta ako sa isang museo sa Chicago sa bansang Amerika, nakita ko doon ang larawan ng isang mabagsik na leon. Sinisimbolo raw iyon ng dios-diosan ng mga taga Babilonia noon na si Ishtar na dios ng pag-ibig at digmaan.

Sinasabi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na nakita ng mga Israelita noon ang mga leon na ito noong binihag sila ni…